Minsan sa ating buhay,
dilim ay di maiiwasan
likha man ng panlalabo ng mata
o di kaya ay brownout ang dahilan
Kahit ano pa man ang sanhi
Di ito dapat maging hadlang
Pangarap na singtamis ng tsokolate
Huwag basta basta bibitawan
Panatiliin ang apoy
Pagyamanin, alagaan
Kahit isang kandila lang
Makapapawi din ng kadiliman
Kuha nung nag-brownout kamakailan
habang ako'y nasa baby shower ng
isang kaibigan at bigla kong naalala
ang tema ng LP :)
Proud to be litratistang Pinoy!
p.s. nakita mo ba ang matamis na pangarap?
25 comments:
akalain mong ng dahil sa brownout ay nagkaroon pa ng lahok sa LP?!?! hehehehe ako nakita ko ang matamis na pangarap!!!! TNM!!!
happy huwebes!!
http://kajesalvador.com
Ayus, salamat sa brownout at may magandang umaapoy na litrato na nagbabahid pagiisa....kasama pa ang tula.
Gandang Huwebes!
ang galing! ang ganda ng effect!
spontaneous ha. very good. hehe :D
happy thursday!
ang galing ng kuha... ganda nung effect nung candle at ang cute ng katabi na figurine....
cute talaga...
happy huwebes...:)
ang ganda naman ng kuha mo! at brown-out pa yan ha...
happy hottie hwebes!
Ang pagkakataon nga naman... salamat sa brownout! Ang ganda ng pagkakakuha mo Teys! :)
i hope naging masaya pa din ang baby shower kahit brownout. happy huwebes!
nice timing diba?! galeng!!
happy huwebes po!
umaapoy
salamat sa mga bumati! salamat din sa brownout :)
kung nais nyong mapabilang sa aking gagawing pang LP na blogroll ipaalam nyo lang po sa akin sa inyong komento o sa aking chatbox para maisali ko na din kayo (nakuha ko itong ideya kay thesserie) sa aking listahan.
Magandang Huwebes sa lahat!
ang timing nga naman. pinalad ka talaga. galing!!
isama mo na rin ako sa blogroll mo =)
gagawa rin ako ng listahan ng lahat ng nakasalamuha ko na sa LP sa aking blog. sa araw na hindi ako tambak sa trabaho hehe.
happy LP!
hindi ko nakita yung matamis Teys, *dokleng talaga* he he
mukhang buong linggo iniisip natin ang tema sa LP, ganyan din ako ha ha, bawat makitang chance, baka kako pwede isali sa LP
teys, sali mo ako sa blogroll mo ha, ilalagay kita sa akin..tsalamat *tsup* (btw may duda akong pareho pangalan natin, sister)
thesserie
maligayang pasko din teys hehehe
ok ka a, handa ka talaga at memorize mo ang mga tema ng lp :D
hi teys, sali din ako sa blogroll mo ha? tapos sabi ko nga kay thess pakopya na lang para masaya, haha!
hmm, ano kaya yung matamis na pangarap? :D
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
dapat talaga laging baong ang camera! napakadramatic ng dating ng litrato. ang ganda.
Munchkin Mommy's LP
Mapped Memories' LP
Ganda ng shot :) Salamat sa pagbisita!
Ang ganda ng kuha mo... alam mo, gustong-gusto ko ang mga lahok mo sa LP kasi natutuwa ako sa mga tula mo. Ganda eh. Isa kang makata. :D
Salamat sa pagbisita ha. Mejo huli lang ang aking mga LP at alam mo naman huli kami ng isang araw dito sa Cali. Hehe. Pero touched ako na na-miss mo ako. *sweet*
ayos! magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...
http://linophotography.com
pakiramdam ko prang asa lumang bahay kinuha yung pikture
Ilaw....Hindi lang nagbibigay ng liwanag ng kapaligiran kundi ...liwanag ng BUHAY
Hello po. padaan po.
katuwa nman.. di ko prin nkita ung matamis na pangarap..
nagustuhan ko un apoy sa kandila. mahaba at parang napaka-kalmado ng dating. pero pinaka nagustuhan ko un ballerina figurine. :) paborito ko kasi ang ballet simula nun nag-aral ako nito nun grade school at naitgil na nun mag hayskul :(
perfect timing! :)
happy LP! by the way, nangopya lang din ako ng blogroll mula sa LP :)
tamang tama ah..hehe:)
happy LP
aba ay napakagandang timing naman nyan! saktong sakto!
spiCes
Post a Comment