Thursday, June 5, 2008

LP - Pag-iisang Dibdib

Ako'y nagdalawang isip kung aking isasali
ang mga kuha ng aming kasal sampung taon
nang nakakaraan
Medyo rebolusyonaryo kasi ang aming konsepto
taliwas sa nakaugalian at nakagawiang kasuotan
Hinango mula sa ating mga ninuno nung kapanahunan
ng Lahing Maharlika - ng mga Datu at Sultan 
dugong bughaw na dumadaloy sa ating mga ugat
bago pa dumating mga Kano at Kastilang dayuhan
pinilit namin buhayin sa aming kasalan.

(Dahil sa ako ay medyo nahihiya pa
Uumpisahan ko sa nakatalikod muna)
TNM :D

Ito ang aming pastor
na nakumbinsi naming kakuntsaba
makiayon sa aming pakulo 
at magsuot ng magara

Eto naman ang mga kaibigang
napilit ding mabihisan
Mukha naman silang masaya di ba
kahit medyo naiinitan :)
(may libreng pamaypay naman sila eh)


At eto naman 
ang aking mga kapuso at kapamilyang
Sumuporta ng husto sa aming kalokohan
kahit medyo tila sila'y nahiwagaan.
(di yata kami ay medyo binuangan :D)


Sana ay medyo di kayo nabigla
sa aming lakas ng loob at kapal ng mukha
Lumangoy kontra sa agos at sumubok ng kakaiba
at para sa mga nagbabalak pa lamang na magpakasal
 Di lamang puti ang kulay ng trahe de boda!
Mabuhay ang Bagong Kasal!

(paalala lang ha sampung taon na itong nakaraan - di na ako ganyan he he he)

Proud to be Litratistang Pinoy! Sali Ka Na!

20 comments:

Thess said...

Sister, ang ganda ganda at ang bongga ng kasal mo! kakaiba, type! Mayroon ka bang malalaking resolutions? type ko silipin talaga, nagagandahan ako!

ha ha ha, sa picture ko din sa kasal dapat pala naglagay din ako ng warning na hindi na ganun itsura ko *lol*..at saka pala, almost 9 years pala akong kasal at hindi 16 (16 yun total ng tao sa kasal ko ha ha ha)

happy LP muah!

Thesserie.com

linnor said...

kakaiba ito. kahanga-hanga ang inyong napiling tema para sa pagpapakasal.

marikit said...

kakaiba nga ang ideas mo sa wedding! memorable talaga. ang ganda ng mga kulay!

ito naman ang sa akin:
http://strawberrygurl.com/2008/06/05/lp-10-pag-iisang-dibdib-when-two-become-one/

ces said...

ayos ang tema ng iyong kasal, pinoy na pinoy talaga!
spiCes

arvin said...

Hahaha, kalokohan talaga e no? hehehe:D Pero ok naman di ba? Espesyal naman kasi ang okasyon kaya dapat espesyal din ang kasuotan:D

lidsÜ said...

ang galing! napaka-creative!
magandang huwebes sa'yo!

ScroochChronicles said...

WOW!! Bongga naman!! Gusto ko yang konsepto mo..hmm napaisip tuloy ako..parang gusto ko ng "cowboy-cowgirl" theme sa 10th anniv namin :)

cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/

TeacherJulie said...

Ang ganda naman ng kasal mo! Makulay at kakaiba.

Magandang Huwebes sa iyo.


http://greenbucks.info

Dr. Emer said...

Ang galing! Kayo din pala! Makabayan na, magsing-irog pa! Ano pa nag hahanapin nila? Hahaha! =)

RoseLLe said...

una sa lahat...ikaw ay hindi dapat mahiya. ito ay napakaganda...at ang makalaga ay masaya ka, kayo.

masayang araw ng Huwebes na naman!

http://manillapaper.com/2008/06/lp10-marriage-pag-iisang-dibdib/

Dyes said...

hi teys! mas ok nga na ganyan ang tema kesa victorian era kasi ipinapakita niyan ang pagkamakabayan mo!

Munchkin Mommy said...

nakakatuwa ang inyong kasal at napakagaganda at makulay ng inyong mga kasuotan.

hapi huwebes!

Sumpaan
Abay

shutter happy jenn said...

walang dapat ikahiya, sobrang ganda ng konsepto ninyo!

Ang aking LP ay naka post na rin:

Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.

Salamat!

marie said...

Ang ganda naman ng tema ng kasal mo, sure ka wala kang lahing Muslim at naisip molang yan? Very creative ka at ang ganda ng kinalabasan.

alpha said...

wow, ang galing ng kasal nyo.

MrsPartyGirl said...

ang galing naman ng concept! talagang hindi malilimutan ang iyong kasal kasi sobrang kakaiba at pang litratong pinoy talaga kasi pinoy na pinoy ang theme. :) at napaka-game naman ng inyong pastor, hehe. :)

MyMemes: LP Kasalan
MyFinds: LP Kasalan

Dragon Lady said...

isang malikhain at masayang kasalan ang sumasalamin sa iyong mga lahok na litrato!

sensya na po at ngayon lang nakapag-bloghop...

maligayang LP!

lino said...

ayos ah, kakaiba... pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)

http://linophotography.com

♥ mommy author ♥ said...

ang galing naman talaga nito! kahanga hanga! :)

Anonymous said...

wow, kakaiba nga! very unique ang pag-iisang dibdib ninyo.

Leah
http://leahjoseph.com