Ano nga ba ang tunay
na KALAYAAN?
Ito ba ay nakakamit
sa dulo ng baril?
o di kaya sa isang banda
ito ba ay kawalan ng
sigalot at digmaan?
Ito ba ay natatamasa
kung ang iyong bansang
tinitirahan
malayang wumawagay-way
ang bandila bilang tanda na siya
ay di nakatanikalang alipin ng
sinumang dayuhan?
Sa aking buhay
ito ang alam ko
tungkol sa kalayaan.
Ang pusong di magpapasakop
di kailanman masasakupan
Ang isipang malaya
di paaalipin sa panlalait
at pangungutya
Ang katawang nakatanikala
sa sakit o kapansanan
(ubo-ubo ubo - meron ako nito ngayon :P)
maaari pa ring mabuhay
ng buong-buo at kapakipakinabang
Payak lamang ang aking paniniwala
kung paano mabuhay na tunay na malaya
kahit anong mangyari
sa ayaw nyo at maniwala
Ito ay nagsisimula
sa puso at damdaming nagtitiwala
na ang buong sandaigdigan
ay nasa lilim at pangangalaga
ng ating Maylikha.
Proud to be Litratistang Pinoy! Kung gusto mong sumali, i-klik lang ang kamera, dali! ;)
19 comments:
Pagaling ka ha!!
sa unang larawan- nakakalungkot na madalas ginamit at ginagamit pa rin para lamang makahulagpos sa klase ng pagkakabilanggo.
basta...pagaling ka!!
(^0^)
thesserie.com
Wow! Ang galing ng iyong tula! Magaling ka magsulat ha. :)
Ang galing ng iyong likha! (Me kasama pang ubo hehe).
Ang ganda ng iyong tinuran...happy LP!
Ang ganda ng mga kuha mo Teys!!!
Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
saan kya yung ikalawang larawan kinuha?
nice set... happy LP...
http://linophotography.com
maganda ang iyong akda! at maging ang huling kuha gusto ko...
spiCes
maganda ang iyong pagkakalahad ngayong lingong ito. may kabuluhan
Hay, nakakalungkot at nakakatakot ang paggamit ng baril at bala upang makamit ang kalayaan.
Ganda ng tula mo :)
Julie
salamat sa mga komento mga ka-lp :) ung ikalawa ay sa tagaytay kinunan, kiwi. :) pag kumain ka sa max's sa tagaytay, may mga watawat silang nakapalibot paharap sa taal :) natyempuhan ko na maganda ang hangin...
beautiful pictures for the theme! but i love the middle best. the first one am scared of that. hehehe
salamat sa bisita.
nakaktakot at kalungkot ang pag gamit ng baril.
maganda ng iyong mga larawan.
http://mousey.info/2008/06/11/lp-kalayaan/
ang gaganda ng kuha...
ang galing!!!:)
hi teys, ang ganda ng tula mo sis. at agree ako talaga na as long as matatag ang tiwala natin sa Diyos, hindi malayong maabot natin ang kalayaan (at ang iba pang blessings). pagaling ka. :)
MyMemes: LP Kalayaan
MyFinds: LP Kalayaan
gusto ko yung unang larawan teys. naiimagine ko ng litrato yan sa isang madamdaming issue ng newsweek or time o kaya national geographic. :)
ako din may ubo! di tayo malaya sa sakit hehe
ang ganda ng iyong sinulat tungkol sa kalayaan. sang-ayon ako sa iyong mga sinabi.
lahat tayo nagtatanong!
kailan nga ba tayo lalaya?
the first picture sent goosebumps.
nice take on the theme.
Post a Comment