Thursday, June 19, 2008

LP#12 - Itay


Napakahirap para sa akin ang temang ito. 
Nagsisimula pa lamang ako ay 
umaagos na ang aking mga luha. 
Di ko po magawang ilagay ang larawan 
ng aking ama kaya sa halip ang aking lahok sa linggong ito 
ay ang liham mula sa akin na nakatago sa kanyang pitaka 
mahigit na dalawampu't tatlong taon na ang nakalilipas.
Malapit na ang isang taon mula nang ako'y kanyang iniwan.  
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo
lumilipas ang mga araw at mga sandali
subalit di ko masasabing humupa ang 
ang kirot at hapdi ng kanyang pag-lisan.
Namamanglaw, nangungulila
Ngunit naniniwala pa rin na ang lahat
ng bagay ay may dahilan...
na balang araw kami ay magkikitang muli
mayayakap ng harap-harapan.
Muli kong maririnig ang kanyang tinig
at masasabi kong muli,
"Salamat sa walang sawang pagmamahal.
Mahal na mahal ko kayo, 'dy."

Mabuhay ang ating mga tatay!

Proud to be anak ng aking tatay at isang Litratistang Pinoy!

11 comments:

ces said...

pina-iyak mo naman ako! ako naman ang may nakatagong post-it sa wallet na may sulat din ng papa ko, isa sa mga huling sulat nya para sa akin...haaay...
spiCes

Munchkin Mommy said...

alam ko ang iyong nararamdaman. 13 pa lang ako nang mawalan ng ama ngunit hanggang ngayo'y nakakaramdam pa rin ng kalungkutan pag naiisip ko siya. :) ang sweet naman at naitago pa talaga ng iyong ama ang munti mong liham sa kaniya. :)

Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama

RoseLLe said...

you made me cry too :( *hugs*

Reflexes

linnor said...

bago lang pala ang pangyayari. nakikiramay ako. ako man malulungkot din. tinago pa pala ng daddy mo ang iyong sulat nung bata ka pa....

linnor
http://linnormarikit.wordpress.com/

Lizeth said...

*hugs*

patuloy kang maging matatag, teys.Ü salamat sa pagbahagi mo nito sa amin.

TeacherJulie said...

Ay, nakakaiyak naman ang post mo Teys. Tatagan mo lang ang loob mo :)


Tatay

Neri said...

nakakalungkot. ramdam na ramdam ang sakit. :(
nakikiramay ako sa iyong dinanas. salamat sa iyong pagbabahagi. sana'y ipagpatuloy mo ang pagiging matatag. :)

iska said...

medyo madami-dami na din ang aking nabisitang LP entry ukol sa itay at kauna-unahang pagkakataon, nangilid ang luha ko sa pagbabasa sa isang entry sa kabilang blog. pagkatapos ay nasundan ng pagbabasa ng entry mo. at heto na... hindi ko na napigilang dumaloy ang luha sa mata ko.

pasionista said...

wow! 1975... halos kasing edad ko na ang sulat na 'yan

JO said...

very touching...

iris said...

isang malaking HUG para sayo teys!