Friday, April 11, 2008

Bilog Ang Pinagmulan, Tatsulok ang sinundan

Ang aking akda ay bunga ng labis na pagtataka sa maliit na kamera at bandila na aking napupuna sa mga blogs na kalimitan kong dinadalaw. Sa tindi ng aking pagtataka, tinugunan ko ang imbitasyon na nakalagay sa litratong may kamera na nagsasabing "join ka na". Labis akong naaliw sa pagbabasa ng mga komento ng mga kasali sapagkat matagal na akong di nakakapagbasa at nakapagsasalita ng tuwirang Pilipino. Sa katunayan, medyo nahirapan akong intindihin ang paraan ng pagsali kasi hindi ako sigurado kung tama ang pagkakaintindi ko sa labis na kalaliman ng mga salitang ginamit. Kaya kung mali ang aking ginagawa mga kapatid, pakisabi lang po sa akin para maiwasto ko ang aking pagkakamali dahil nais ko talagang sumali. Salamat, mahaba na ito... ubos na ang baon ko. :)

(My post is a result of my curiosity about that little camera with a Philippine flag that I often see in the blogs I visit. Because of this I gave in to the invitation to join found at the bottom of the picture. I found it so amusing to read the comments that were written in  Pilipino because I haven't read or spoken straight Pilipino in a long while. In fact, I had a hard time trying to understand the instructions on how to join and I don't know if what I am doing is right because the words they used were too deep for me to understand. So if what I'm doing is wrong, feel free to correct me because I really want to join. That's all the Pilipino I have for now... I need a refill. :) lol)

Huli man daw at magaling (kahit hindi) hahabulin ko pa din. Narito ang aking lahok para sa temang  BILOG:
(better late than never... Here's my entry to the theme CIRCLES:)



 Ang mundo ko ay BILOG. 
Ito ay kuha sa NASA Ames Research Center
sa Moffat, California.

(My world is round. This was taken at the
NASA Ames Research Center in
Moffat, California)

narito naman ang para sa temang TATSULOK:
(here's my photo for Three corners:)


Kuha sa itaas ng Hoyop-hoyop Cave
sa Albay, Legazpi
(Ceiling shot of Hoyop-hoyop Cave
in Albay, Legazpi)




Sali ka na!

7 comments:

Joy said...

Hi Teys!
Nakisali ka na rin? Hehehe...ako rin na-intriga't na-engganyong sumali!
Ayos ang mga kuha mo, hindi ba nangawit ang leeg mo't puro patingala ang kuha? Loko lang!

Thess said...

Hi Teys,

welcome sa LP =)

Ang ganda ng bilog mo..yung tatsulok eh naduduling lang yata ako at hindi ko makita ha ha, pasensha na.

hanggang sa susunod na Huwebes!

Thesserie

Dyes said...

hi teys!

ayos sa bilog :) at pwede na ring ipasok sa tatsulok yung pangalawa.

up na rin yung entry ko sa http://yaneeps-pics.blogspot.com

Lizeth said...

welcome sa LP teys!! happy weekend :)

Jervis said...

Ako man din ay sumali hindi lang sa dahilang makapagbahagi ako ng mga larawan at magkaroon ng mga kaibigan sa mundo ng internet. Kundi itaguyod din ang pagtangkilik sa ating wikang aking minamahal.
Mabuhay ka Teys! =)

Kaje said...

hello teys!! hindi ko masyado makita ang tatlong sulok mo, pero okay lang, masaya akong makitang sumali ka na din sa LP!

hanggang sa susuno na huwebes!!

http://kajesalvador.com

Tes Tirol said...

pagpaumanhin nyo ang aking lahok sa tatsulok sapagkat ito'y medyo palaisipan - subalit kung kayo ay mahilig sa Disneyland, matatagpuan ninyo itong nagkalat kung saan saan, basta matalas lang ang inyong mata - kayo din ay makakakita ng mahiwagang nagtatagong daga :)