LP-Pula
Ito marahil ang pinakasikat na pula sa buong mundo. Kahit saan, kahit kailan kasama sa mga pagsasalo, saksi sa mga kabanata ng ating buhay, malungkot man o masaya. Nakakadagdag buhay daw ito, ika nga. Pero sa aking sariling pagkakaalam, ito ay tunay na nakakadagdag balakang. (kuha sa Sampaguita Gardens sa Aklan kung saan makikita ang Precious Moments na mga manika)
LP-Asul
Ang kulay asul karaniwan ay sumisimbolo ng kapayapaan, kahinahunan at katahimikan. Subalit pag ito ay nahaluan ng kulay itim ito ay nagiging madilim at maaring magpahiwatig ng kalungkutan o nagbabadyang bagyo. (kuha sa Boracay noong nakaraang Oktubre 2008)
at para sa linggong ito narito ang aking lahok
LP-Kahel
Ang paglubog ng araw ay sumisimbolo ng pagtatapos o pagwawakas, pamamaalam at pagpapahinga mula sa isang araw ng gawain. Minsan malungkot isipin ang pagtatapos subalit mayroon din syang angking kakaibang kagandahan na nagbibigay kapayapaan sa kalooban… ang unti-unting paglaho ng araw ay nagbibigay daan para ang liwanag naman ng buwan ang syang maging tanglaw sa dilim. Kung hindi lulubog ang araw, hindi mo makikita ang buwan at ang mga bituin, di ba?(kuha sa Boracay noong Oktubre 2008)
Pasensya na mga ka-LP ha, pero sana tuloy-tuloy na ulit ako sa pagsali linggo- linggo. Para sa mga nais lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan at mga piling akda sa sarili nating wika sumali na kayo sa Litratong Pinoy.
0 comments:
Post a Comment