Wednesday, February 11, 2009

LP-Puso (Kapusong Totoo)

LP-Puso

Sa aming paglalayag noong kapaskuhan, binalak naming pumunta sana sa Geothermal Power Plant sa Mt. Apo para ipakita sa aming mga tsikiting ang pangalawang pinakamalaking planta ng alternatibong enerhiyang geothermal sa buong mundo subalit nasa kalahati pa lang kami ng aming biyahe ay di na nakayanan ng aming sasakyan ang biyahe at unti-unti na syang naghingalo at nawalan ng "power" kaya kami ay napilitang huminto sa tabing daan. Kami pala ay napadpad na sa boundary ng Kidapawan, Cotabato at sa aming pagkagulat, mayroon palang magandang pahingahan na pang-turista dito kaya ang aming pagka-unsyami at panghihinayang ay medyo parang nabuhusan na ng malamig na tubig.

Dito ko natagpuan ang kakaibang puno na ito na aking pinagdiskitahan. Labis akong naaliw kasi dahil ang hugis at pagbagsak ng mga dahon nya ay tila hugis puso kaya siya ay talagang aking piniktyuran. Ako ay napangiti sa aking sarili at tunay na namangha - may 'sense of humor' din pala ang Dakilang Maylikha. Kahit saan, kahit kailan sa kahit anong paraan puede syang magsalita, magparamdam na lab naman nya kami - kunsuelo de amor kahit kami ay nasiraan ng sasakyan.  :) 


 


0 comments: