Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts
Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts

Thursday, February 5, 2009

Pasinaya 2009 sa CCP

I’m in a blogging mood this morning so I think I’ll update my blog a bit and then some. I’ve been out the past few days coz my in-laws were here for a visit and I had a few layout jobs to finish for TDS (The Daily Scrapper) and some friends as well. I was also invited by a friend to photoshoot for her at the CCP’s Pasinaya last Sunday. We met at Festival Mall Alabang right after our Sunday Service here in Sta. Rosa and me and my family rushed to Alabang to meet her at Starbucks Festi. Thank God for convenient coffee franchises! It makes meet ups so much easier. We arrived at the CCP early for rehearsals and blocking. Fortunately, I had the chance to practice my shots and test my camera’s settings before my friend’s ballet company came on. I’m not done with all the editing, but I am quite happy with the shots I took this time. The photography class I took last year has helped me a lot and I’m slowly taking ownership of my little Oly. :)

Here are a few of the shots I took during the event. Most of them taken with these settings (except the outdoor shots) with my Olympus E410 : Shutter priority 1/100,ISO 1600, F4, no flash









The colors of PASINAYA at the Star Theatre backstage entrance










A Ballet Philippines poster on the sidewalk

























A few shots from Ballet Manila’s version of High School Musical (i like how the basketballs are suspended in mid-air in this shot) :)








here’s another one: and here’s one of my faves, i love how the hair and the skirt swirl was captured




this is the last one I’ve post-processed, the Madrigal Singers, the Philharmonic Orchestra and one of the company members of Ballet Philippines in mid-air

Hopefully, I can work on more of the shots I took this weekend. So that’s it, pansit! Catch y’all later!

Mahilig ka ba sa Twilight?

LP-Tsokolate


Kung ikaw ay isa sa mga libo-libong(? pero di ako kasali dun) tao na nakabasa ng aklat na Twilight o dili kaya ay nakapanood ng pelikulang ito baka sakaling makahiligan mo ang lahok ko sa linggong ito. Ito ang mga paniking kulay tsokolate na matatagpuan sa kuweba sa Samal Island. Talaga namang kikiligin ka at hihimatayin sa kakaibang amoy nila - makapigil hininga talaga! Kailangan mong pigilang huminga kasi baka bumaliktad ang iyong sikmura sa sangsang ng amoy nila. Pero sa tutoo lang, ka-kyut naman sila sa malapitan, di ba? Baka isa sa kanila yung bida sa Twilight, no? Papa-kiss ka ba? Sali na kayo!

Friday, January 23, 2009

Ang makulay na pagbabalik ko sa LP

Matagal tagal na ding panahon mula nang ako’y huling lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan sa LP. May iba-iba kasing panahon at kulay ang buhay ng tao. Nag-iiba ang mga nakagawian at may mga pagbabagong hindi maiiwasan. Bagamat sa aking pakiramdam ako ay naging prodigal pansamantala, may mga araw na iniisip ko kung kailan ako magkakapanahon na makalahok na muli dahil ito ay naging bahagi na ng aking buhay. Kaya mga kapatid kong ka-LP pipilitin kong makabawi sa mga “homework” ngayong taong ito. Pasensya na lamang po mga klasmeyt pero kahit naman po ako’y absent di ko naman po inalis ang aking LP id dito sa aking tahanan sa internet.  Kung inyo pong mamarapatin, narito po ang aking mga lahok - para sa linggong ito at para na din sa nakaraan. Ito ay ilan sa mga eksena sa makulay kong daigdig.Narito ang aking mga lahok para sa mga nakaraang linggo:

LP-Pula

Ito marahil ang pinakasikat na pula sa buong mundo. Kahit saan, kahit kailan kasama sa mga pagsasalo, saksi sa mga kabanata ng ating buhay, malungkot man o masaya. Nakakadagdag buhay daw ito, ika nga. Pero sa aking sariling pagkakaalam, ito ay tunay na nakakadagdag balakang. (kuha sa Sampaguita Gardens sa Aklan kung saan makikita ang Precious Moments na mga manika)

LP-Asul

Ang kulay asul karaniwan ay sumisimbolo ng kapayapaan, kahinahunan at katahimikan. Subalit pag ito ay nahaluan ng kulay itim ito ay nagiging madilim at maaring magpahiwatig ng kalungkutan o nagbabadyang bagyo. (kuha sa Boracay  noong nakaraang Oktubre 2008)


at para sa linggong ito narito ang aking lahok
LP-Kahel

Ang paglubog ng araw ay sumisimbolo ng pagtatapos o pagwawakas, pamamaalam at pagpapahinga mula sa isang araw ng gawain. Minsan malungkot isipin ang pagtatapos subalit mayroon din syang angking kakaibang kagandahan na nagbibigay kapayapaan sa kalooban… ang unti-unting paglaho ng araw ay nagbibigay daan para ang liwanag naman ng buwan ang syang maging tanglaw sa dilim. Kung hindi lulubog ang araw, hindi mo makikita ang buwan at ang mga bituin, di ba?(kuha sa Boracay noong Oktubre 2008)


Pasensya na mga ka-LP ha, pero sana tuloy-tuloy na ulit ako sa pagsali linggo- linggo. Para sa mga nais lumahok sa lingguhang pagbabahagi ng mga larawan at mga piling akda sa sarili nating wika sumali na kayo sa Litratong Pinoy. 

Thursday, June 26, 2008

LP#13 - Pag-aaral

Sa mga ka-lp na mapadpad dito ang aking lahok sa linggong ito ay matatagpuan nyo sa aking isang blog. Paki-klik na lang po ang link sa ibaba. Salamat!

Thursday, June 19, 2008

LP#12 - Itay


Napakahirap para sa akin ang temang ito. 
Nagsisimula pa lamang ako ay 
umaagos na ang aking mga luha. 
Di ko po magawang ilagay ang larawan 
ng aking ama kaya sa halip ang aking lahok sa linggong ito 
ay ang liham mula sa akin na nakatago sa kanyang pitaka 
mahigit na dalawampu't tatlong taon na ang nakalilipas.
Malapit na ang isang taon mula nang ako'y kanyang iniwan.  
Patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo
lumilipas ang mga araw at mga sandali
subalit di ko masasabing humupa ang 
ang kirot at hapdi ng kanyang pag-lisan.
Namamanglaw, nangungulila
Ngunit naniniwala pa rin na ang lahat
ng bagay ay may dahilan...
na balang araw kami ay magkikitang muli
mayayakap ng harap-harapan.
Muli kong maririnig ang kanyang tinig
at masasabi kong muli,
"Salamat sa walang sawang pagmamahal.
Mahal na mahal ko kayo, 'dy."

Mabuhay ang ating mga tatay!

Proud to be anak ng aking tatay at isang Litratistang Pinoy!

Thursday, June 12, 2008

LP#11 - Kalayaan

Ano nga ba ang tunay
na KALAYAAN?

Ito ba ay nakakamit
sa dulo ng baril?
o di kaya sa isang banda
ito ba ay kawalan ng 
sigalot at digmaan?

Ito ba ay natatamasa
kung ang iyong bansang
tinitirahan
malayang wumawagay-way
ang bandila bilang tanda na siya
ay di nakatanikalang alipin ng
sinumang dayuhan?

Sa aking buhay
ito ang alam ko 
tungkol sa kalayaan.

Ang pusong di magpapasakop
di kailanman masasakupan
Ang isipang malaya
di paaalipin sa panlalait 
at pangungutya
Ang katawang nakatanikala
sa sakit o kapansanan
(ubo-ubo ubo - meron ako nito ngayon :P)
maaari pa ring mabuhay
ng buong-buo at kapakipakinabang 

Payak lamang ang aking paniniwala
kung paano mabuhay na tunay na malaya
kahit anong mangyari
sa ayaw nyo at maniwala
Ito ay nagsisimula
sa puso at damdaming nagtitiwala 
na ang buong sandaigdigan 
ay nasa lilim at pangangalaga
 ng ating Maylikha.



(pasensya na mga ka-lp di ako nakaikot nung isang linggo - babawi ako ngayon. Salamat!)

Proud to be Litratistang Pinoy! Kung gusto mong sumali, i-klik lang ang kamera, dali! ;)

Thursday, June 5, 2008

LP - Pag-iisang Dibdib

Ako'y nagdalawang isip kung aking isasali
ang mga kuha ng aming kasal sampung taon
nang nakakaraan
Medyo rebolusyonaryo kasi ang aming konsepto
taliwas sa nakaugalian at nakagawiang kasuotan
Hinango mula sa ating mga ninuno nung kapanahunan
ng Lahing Maharlika - ng mga Datu at Sultan 
dugong bughaw na dumadaloy sa ating mga ugat
bago pa dumating mga Kano at Kastilang dayuhan
pinilit namin buhayin sa aming kasalan.

(Dahil sa ako ay medyo nahihiya pa
Uumpisahan ko sa nakatalikod muna)
TNM :D

Ito ang aming pastor
na nakumbinsi naming kakuntsaba
makiayon sa aming pakulo 
at magsuot ng magara

Eto naman ang mga kaibigang
napilit ding mabihisan
Mukha naman silang masaya di ba
kahit medyo naiinitan :)
(may libreng pamaypay naman sila eh)


At eto naman 
ang aking mga kapuso at kapamilyang
Sumuporta ng husto sa aming kalokohan
kahit medyo tila sila'y nahiwagaan.
(di yata kami ay medyo binuangan :D)


Sana ay medyo di kayo nabigla
sa aming lakas ng loob at kapal ng mukha
Lumangoy kontra sa agos at sumubok ng kakaiba
at para sa mga nagbabalak pa lamang na magpakasal
 Di lamang puti ang kulay ng trahe de boda!
Mabuhay ang Bagong Kasal!

(paalala lang ha sampung taon na itong nakaraan - di na ako ganyan he he he)

Proud to be Litratistang Pinoy! Sali Ka Na!

Wednesday, May 28, 2008

LP-Hangin

(kuha sa Joshua Tree Desert mula AZ papuntang CA noong 1999)

Di ko akalain na ang larawang ito
kinunan siyam na taon nang nakalipas
ay maging bahagi ng aming adbokasiya
sa kasalukuyan.

Sa panahong ito kung saan 
ang langis ay mas mahal pa sa bigas
napapanahon nang maghanap tayo
ng alternatibong lakas.

Enerhiyang galing sa hangin
isa sa puedeng kasagutan
Sa bansa nating sagana
sa laot at karagatan.

Anong sa palagay mo,
kaibigan?
Gusto mo din bang magtanim
ng higanteng bentilador
at mag-ani ng kuryenteng
di nakakapinsala sa kalikasan?


Proud to be Litratistang Pinoy! Sali na!


Thursday, May 22, 2008

LP#8 - Tubig

Tuwing tag-araw
pinakaaasam ng lahat
sa preskong tubig 
ay makalangoy o dili kaya ay 
makapagtampisaw man lang 
basta kasama ang mga kaibigan
okey na okey ang gimikan
hindi ito magiging masaya
kung nag-iisa ka lamang


mas nakakatuwa lalo na 
kung ikaw ay may kasamang iba
di ba?

lalo na kung ang pagbababaran
at pagtatampisawan
ay singlaki ng Angat Dam


o dili kaya sa pagkalamig-lamig
na Tagbibinta Falls na sa
Maragusan, Davao
matatagpuan


mayroon pa akong isang lahok dito.

Proud to be Litratistang Pinoy!

Wednesday, May 14, 2008

LP#7 - Umaapoy

Minsan sa ating buhay, 
dilim ay di maiiwasan
likha man ng panlalabo ng mata 
o di kaya ay brownout ang dahilan

Kahit ano pa man ang sanhi
Di ito dapat maging hadlang
Pangarap na singtamis ng tsokolate
Huwag basta basta bibitawan

Panatiliin ang apoy
Pagyamanin, alagaan
Kahit isang kandila lang
Makapapawi din ng kadiliman


Kuha nung nag-brownout kamakailan 
habang ako'y nasa baby shower ng 
isang kaibigan at bigla kong naalala 
ang tema ng LP  :)

Proud to be litratistang Pinoy!




p.s. nakita mo ba ang matamis na pangarap?

Thursday, May 8, 2008

LP#6 - Mahal na Ina


Ang aking lahok sa linggong ito ay di sana kataka-taka
Sapagkat imbes na larawan ng mukha ito ay kuha ng mga paa
Ito ang aking napili sapagkat bilang isang ina
Unti-unti ko nang nakikita ang kinabukasan 
ng aking pera
Bagamat di gaanong maluho, hilig ni Ineng 
ay gamit na makislap at maganda 
siguradong siguradong butas ang bulsa ni ama at ni ina (TNM) :)



       kuha ng sapatos ko at ng aking 
                      iha mia 

Thursday, May 1, 2008

LP#5 - Malungkot

Isa sa mga lahing lubhang inapi simula pa sa kasaysayan ng mundo ay ang mga Hudyo. Sila'y inalipin... inalipusta... hinamak ... pinalayas sa sariling lupa dahil lamang sa pagiging Hudyo. Ito ang buod ng aking lahok sa linggong ito kuha sa isang palabas na ballet sa Tangahalang Nicanor Abelardo noong nakaraang linggo. Ito ay patungkol kay Esther, isang Hudyong naging Reyna ng Persia, at ng kanyang mga kalahi na dahil sa isang sakim na tagapamahala ng hari ay nakalulungkot na nasentensyahang ipapatay ng Haring Xerxes noong mga panahon na iyon. Mababasa ang buong istorya ng buhay nila sa aklat na Ester sa Lumang Tipan ng Bibliya.


The Company of Acts Manila Dancers
in Esther and other Ballets
CCP Theatre Manila




Proud to be Litratistang Pinoy!

Friday, April 25, 2008

LP#4 - Pahaba


Ang aking lahok sa temang pahaba
Likhang sariling atin, Pinoy ang may gawa

Isa sa mga sagot sa isang pandaigdigang suliraning
dulot ng climate change at ng global warming

eksperimentong sinubukan ng mga estudyante
mga solar cells  pahabang pinagtabi-tabi 
enerhiyang galing sa araw iniipon... inaani
para paandarin isang makabagong uri ng kotse

SINAG-The First Philippine
Solar-Powered Car
(model at the SM Science Discovery Center)

 
Proud to be Litratistang Pinoy!


Thursday, April 17, 2008

LP#3 - Apat na kanto

Kanto sa loob ng kanto

Sa mga napaisip sa aking lahok na  tatsulok nung nakaraan, basta mahilig ka lang kay Disney ay di ka mahihirapan. Siliping maiigi at inyo ring makikita, tatsulok na likha ng nagtatagong daga. :) . 

Sa linggo ring ito, huwag din magtaka. Sa biglang sulyap, tatlong kanto ang akala, subalit pag binilang, ay naku! isa, dalawa, tatlo, apat din pala. TWN (tawa nang malakas, ayon kay Kaje ;D )

(For those who were wondering about my entry last week, if you like watching Disney it would have been a cinch... look closely at it again and I know you'll surely see, a triangle hiding in a Hidden Mickey . :) 

For this week's entry, I also hope that you won't wonder. At first glance, it might appear as three, but when you start counting...Voila!  one, two, three, four is what you see. LOL (laugh out loud, acc to Kaje ;D )


SM Mall of Asia - Abril 12, 2008


Friday, April 11, 2008

Bilog Ang Pinagmulan, Tatsulok ang sinundan

Ang aking akda ay bunga ng labis na pagtataka sa maliit na kamera at bandila na aking napupuna sa mga blogs na kalimitan kong dinadalaw. Sa tindi ng aking pagtataka, tinugunan ko ang imbitasyon na nakalagay sa litratong may kamera na nagsasabing "join ka na". Labis akong naaliw sa pagbabasa ng mga komento ng mga kasali sapagkat matagal na akong di nakakapagbasa at nakapagsasalita ng tuwirang Pilipino. Sa katunayan, medyo nahirapan akong intindihin ang paraan ng pagsali kasi hindi ako sigurado kung tama ang pagkakaintindi ko sa labis na kalaliman ng mga salitang ginamit. Kaya kung mali ang aking ginagawa mga kapatid, pakisabi lang po sa akin para maiwasto ko ang aking pagkakamali dahil nais ko talagang sumali. Salamat, mahaba na ito... ubos na ang baon ko. :)

(My post is a result of my curiosity about that little camera with a Philippine flag that I often see in the blogs I visit. Because of this I gave in to the invitation to join found at the bottom of the picture. I found it so amusing to read the comments that were written in  Pilipino because I haven't read or spoken straight Pilipino in a long while. In fact, I had a hard time trying to understand the instructions on how to join and I don't know if what I am doing is right because the words they used were too deep for me to understand. So if what I'm doing is wrong, feel free to correct me because I really want to join. That's all the Pilipino I have for now... I need a refill. :) lol)

Huli man daw at magaling (kahit hindi) hahabulin ko pa din. Narito ang aking lahok para sa temang  BILOG:
(better late than never... Here's my entry to the theme CIRCLES:)



 Ang mundo ko ay BILOG. 
Ito ay kuha sa NASA Ames Research Center
sa Moffat, California.

(My world is round. This was taken at the
NASA Ames Research Center in
Moffat, California)

narito naman ang para sa temang TATSULOK:
(here's my photo for Three corners:)


Kuha sa itaas ng Hoyop-hoyop Cave
sa Albay, Legazpi
(Ceiling shot of Hoyop-hoyop Cave
in Albay, Legazpi)




Sali ka na!